Headlines News :
Home » » Sam Pinto, siya pa ang nilalayuan ng mga lalaki! Derrick, virgin pa daw sa babae?

Sam Pinto, siya pa ang nilalayuan ng mga lalaki! Derrick, virgin pa daw sa babae?

Written By Admin on Wednesday, January 18, 2012 | 2:38 PM



Tisoy at mas ma­tangkad na lalaki ang tipo ni Sam Pinto. Pasok sa FHM 2011 Sexiest, si Alden Richards ay minsan na niyang naka-date. Pero hanggang sa date lang ang drama nila.

“Bata, eh! Ayoko sa bata,” sambit ni Sam na nasa cast ng Legacy ngayon ng GMA.

After their first date, wala na silang komunikasyon ng young actor.

“Ewan ko sa kanya! Siya ang nanghingi ng date, eh. Ha! Ha! Ha!

“Wala na. Nagkikita na lang kami ‘pag sa Party Pilipinas o guest siya sa Bubble Gang,” sey niya.

Sa image niyang sexy, feeling ni Sam, mas lumayo pa nga raw ang mga lalaki sa kanya nang ilantad niya ang kanyang katawan.

“Mas lalo silang na-intimidate sa akin! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Sam.

Bakit naman?

“Oo, seryoso ako! Feeling ko, kakagatin ko sila or something! Ha! Ha! Ha!

“Feeling nila, hindi nila ako ma-reach kaya… Pero parang hindi pa dumarating ang right guy sa akin!” saad niya.
Share this post :
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. Like My Files - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger