Headlines News :
Home » , » Isabel Oli, iginiit na friends lang sila ng ex-hubby ni Kris Aquino na si James Yap

Isabel Oli, iginiit na friends lang sila ng ex-hubby ni Kris Aquino na si James Yap

Written By admin on Saturday, February 18, 2012 | 4:20 AM

-By FRJimenez, GMA News

Hindi na naman nakaiwas si Isabel Oli sa pag-usisa ng media tungkol sa kung ano talaga ang relasyon nila ni James Yap, na ex-husband ni Kris Aquino.

Sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel, sinabing kabilang si Isabel sa mga celebrities na nakipagtalbugan ng kasuotan sa isang fashion event na ginanap sa Taguig.

Dito ay muli raw inusisa ng media si Isabel tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng basketbolistang si James.

Patuloy kasi ang mga balita na romantikong nag-uugnay kay Isabel sa sikat na basketball player. Katunayan, lumabas sa isang artikulo ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na nabaitan daw si Kris sa Kapuso actress.

Boto rin daw si Kris na maging girlfriend ni James si Isabel, ayon pa sa ulat ng PEP.

Pero sinabi ni Isabel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes na magkaibigan lang talaga sila ni James.

“Nakakapagod na rin kasi parang paulit-ulit ko nang sinasabi na we’re friends, and yung lang talaga," pahayag ni Isabel.

Nag-alangan nga daw ang aktres nang dumalo siya sa birthday party ni James kamakailan nang makita niya na maraming tao at media na dumalo dito.

“Pagdating ko kasi parang akala ko konti konti lang, ang dami palang tao. Yun, hindi ko iniexpect na may camera… If ever may itinatago man kami e sana hindi na lang ako pumunta dun ‘di ba," paliwanag niya.
Share this post :
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. Like My Files - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger