Headlines News :
Home » , , » Grace Lee, naglahad ng mga detalye tungkol sa kanila ni PNoy sa isang magazine

Grace Lee, naglahad ng mga detalye tungkol sa kanila ni PNoy sa isang magazine

Written By admin on Friday, February 24, 2012 | 4:33 AM


Cover photo ng isang magazine ang itinuturing “woman of hour" at “apple of the eye" ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III na si Kapuso host Grace Lee.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, ikinuwento umano ni Grace sa Inside Showbiz magazine kung papaano sila nagkakilala ni Aquino.

Inilahad din ng 29-anyos na Kapuso host sa naturang babasahin kung ano ang mga common interest nila ng 52-anyos na binatang pangulo.

Sinasabing nagbigay din si Grace ng ilang detalye tungkol sa regalong ibinigay niya kay Aquino.

Nais umano ni Grace na makilala nang lubusan ang pagkatao ni Aquino, at hindi lang ang pagiging lider nito ng bansa.

Kamakailan ay namataan ang dalawa na magkasama habang tumitingin ng mga libro sa isang mall.

Source - FRJimenez, GMA News
Share this post :
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. Like My Files - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger